Tweetdeleter logo

Mga madalas itanong

Maghanap ng mga gabay at sagot na hinahanap mo. Sa anong feature ang kailangan mo ng tulong?
Paggamit ng TweetDeleter

Paggamit ng TweetDeleter

Bakit hindi mo ma-access ang lahat ng mga tweet?

Kaya namin, pero kailangan namin ang iyong Archive sa Twitter. Ang API ng Twitter ay madali kaming pinapa-access sa iyong huling 3200 tweet at anumang lagpas doon na na-archive ng Twitter. Upang bigyan ang TweetDeleter ng access sa LAHAT ng iyong mga tweet, i-download ang iyong Archive sa Twitter mula sa iyong account at i-upload ito sa TweetDeleter. Kailangan mo lang gawin nang isang beses at ilang minuto lamang ito.

Bakit ko dapat gamitin ang TweetDeleter?

Gumagamit ang mga tao ng TweetDeleter para sa maraming dahilan. Maaari mong walang kahirap-hirap na mahanap at mabura ang mga tweet nang maramihan sa isang click lamang. O, kung nais mong magsimula ng bago - burahin silang lahat nang sabay-sabay! Ganun lang kadali. Ang aming mga user ay partikular na natutuwa sa feature na Awtomatikong nagbubura na awtomatikong inaalis ang mga tweet na ayaw mong umaaligid sa iyong profile. Ang ilang tao ay user lamang ng TweetDeleter para i-browse ang kanilang mga tweet, dahil ang aming mga gamit sa advanced na paghahanap ay madaling nahahanap ang kaninang hinahanap. Kung kaya’t bakit mo dapat gamitin ito? Ito ang pinakamahusay na tool sa pagpapanatili ng iyong account sa Twitter na masigla at bago. Magsaya sa Twitter. Nandito kami para linisin ang kalat mamaya.

Anong mangyayari pagkabura ko ng isang tweet?

Kapag na-click mo ang delete, ang isang request ay ipadadala sa pamamagitan ng API ng Twitter. Madalas ay tumatagal ng ilang minuto para maproseso ng Twitter ang request na ito at burahin ang (mga) tweet. Minsan, dahil sa mga teknikal na dahilan, maaaring mas tumagal.

Paano gumagana ang TweetDeleter?

Kapag nag-log in ka at nagbigay ng access sa TweetDeleter sa iyong account sa Twitter, kinukuha namin ang iyong mga tweet sa pamamagitan ng API ng Twitter para maaari mong ma-search at mabura ang mga ito. Dahil sa mga teknikal na limitasyon gamit ang API ng Twitter, di namin maaaring awtomatikong makuha ang lahat ng iyong mga tweet kung may higit sa 3200 ka. Sa mga kasong iyon, kakailanganin naming i-upload ang iyong Archive sa Twitter sa TweetDeleter.

Gaano kaligtas ang TweetDeleter?

Ang kaligtasan at pagkapribado ang nasa sentro ng aming serbisyo. Ini-import lang namin ang mga tweet na available sa publiko at ang impormasyong ito ay di binabahagi sa alinmang 3rd party. Alinmang tweet na binura gamit ang aming serbisyo ay permanente na ring mabubura sa iyong account sa Twitter at di na maaaring makuha muli. Dahil ang TweetDeleter ay ni-launch 10 taon na ang nakapilas, higit sa 2 000 000 user ang nagtiwala at gumamit ng TweetDeleter para ligtas na burahin ang kanilang mga tweet.
Mga plan ng subskripsyon

Mga plan ng subskripsyon

Anu-anong paraan ng pagbabayad ang available?

Tumatanggap kami ng Paypal, mga kredit kard, pati mga pagbabayad sa Apple Pay at Google Pay.

Ano ang pinakasikat na binabayarang plan?

Ang binabayarang plan na Unlimited ang pinakasikat sa ngayon. Hinahayaan ka nitong i-upload ang iyong Archive sa Twitter at alisin ang lahat ng mga lumang tweet at like na paboritong feature ng bawat masugid na nagtu-tweet. Dagdag pa nito, dumarami ang mga user na sinasamantala ang feature na awtomatikong pagbubura upang isalba ang kanilang sarili sa trabaho ng manu-manong pagsusuri at pagbubura ng mga tweet at like.

Aling plan ng subskripsyon ang dapat kong piliin?

Kung kailangan mo lang magbura nang maramihan ng ilang nakalipas na tweet, ang plan na Standard ang para sa iyo - maaari kang magbura ng 1000 tweet sa isang buwan at magka-access sa lahat ng mga feature ng paghahanap. Kung di pa sapat iyon, ang plan na Advanced ay hahayaan kang magbura ng 3200 sa iyong pinakahuling tweet pati ang magbura ng 1000 like sa isang buwan. Ang pinaka-aktibong nagtu-tweet, samantala, ay maaaring piliin ang plan na Unlimited. 
Sa plan na ito, maaari mong i-upload ang iyong Archive sa Twitter na hinahayaan ang TweetDeleter na i-access at magbura ng walang limitasyon na bilang ng iyong mga tweet at like, gaano man kaluma. Dagdag pa nito, ang plan na unlimited ay hinahayaan kang i-set up ang proseso ng awtomatikong pagbubura. Ito ay maaaring awtomatikong magbura ng mga tweet at like, kung kaya’t di mo na kailangang mag-alalang gawin ito nang manu-mano, o may makaligtaang tweet.

Maaari ko bang kanselahin ang aking plan ng subskripsyon?

Oo naman. Maaari mong kanselahin ang iyong plan ng subskripsyon sa iyong profile ng account kailanman. Hindi ka obligado.

Ano ang benepisyo ng taunang subskripsyon?

Ang taun-taong subskrisyon ay binibigyan ka ng 50% diskwento sa kabuuang gastos! Pumili ng taunang binabayarang plan, makatipid ng pera, at i-set up ang proseso ng awtomatikong pagbubura upang alagaan ang iyong mga tweet habang natutulog ka. Panalong-panalo.

Alam naming di mo iyon sinasadya.

Bawiin ang iyong sinabi sa Twitter.