Maghanap ng mga tweet ayon sa keyword
Maaari kang maghanap ng mga tweet ayon sa keyword upang tukuyin at burahin ang mga tweet na gusto mong alisin.
Maghanap ng mga tweet ayon sa parirala, salita, @pagbanggit o #hastag
Maghanap ng mga naburang tweet
Ilapat ang iyong filter ng kabastusan
Apply your profanity filter
Higit sa1,360,240 na user ang nakapagbura na ng1,020,265,991 tweet
Pakitandaan na ang mga tweet na pinili mong burahin sa pamamagitan ng serbisyo ng TweetDeleter.com ay permanente nang mabubura sa Twitter nang walang opsyon para muling ibalik ang mga ito!
Paano maghanap at magbura ng mga tweet ayon sa pangalan, pariralang keyword o hashtag?
Maaaring ayaw mong burahin lahat ng iyong mga tweet – yung mga maaaring ipahamak ka lamang. Ang pag-iwas na mapahiya, kontrobersya, o partikular na paksa ay maaaring magawa sa paghahanap at pagkilala sa mga kaugnay na tweet. Ang mabisang tool sa paghahanap ng TweetDeleter ay pinapayagan kang hanapin ang iyong kailangan nang ilang segundo lamang. Madaling i-browse ang lahat ng iyong mga tweet at piliin ang mga nais burahin.
I-browse ang mga @pagbanggit, #hashtag, o iba pang kombinasyon ng teksto. Paglaruan ito at magsaya sa pag-filter sa mga dating alaala. Maaari mong matagpuan ang ilang luma at nakalimutang hiyas sa Twitter
Paano maghanap ng mga naburang tweet?
Ang mga tweet na nabura sa pamamagitan ng TweetDeleter ay maaaring ma-save at maitago sa TweetDeleter. Pagkatapos ay maaari mong hanapin ang mga naburang tweet ayon sa keyword at i-browse ang mga ito na pareho sa mga kasalukuyan at aktibong tweet. Magtiwala ka sa amin – Masayang bumalik at tingnan ang mga kalokohang ginawa mo noon – pero para sa mga mata mo lamang.
Paano maghanap at makahanap ng mga tweet na may mga salitang may pagmumura at kabastusan?
Mas nauna kami sa iyo. Ang aming algorithm ay maaaring makahanap ng mga tweet na may mga kilalang salitang may pagmumura at kabastusan. Anumang kahalagahan nito – lubos naming nirerekomendang burahin ang mga tweet na iyon maliban kung gusto mong ipagpatuloy ang masamang estado sa Twitter. Perpekto ba ang aming algorithm, na walang pagkakamali? Hindi. Pero ito ang simula. Maghanap sa iba pang mga paraan sa paggamit ng aming mabibisang tool sa paghahanap.
Sunud-sunod na gabay
paano hanapin ang lahat ng iyong mga tweet gamit ang filter na keyword:
Hakbang 1
Mag-log in gamit ang iyong account sa Twitter
Magsign in sa TweetDeleter gamit ang iyong login sa Twitter para ma-access namin ang iyong mga tweet.
Hakbang 2
I-upload ang iyong Archive ng Tweet
Kung gusto mong pamahalaan ang higit sa 100 tweet, mangyaring i-upload ang iyong Archive sa Twitter para ma-access namin ang lahat ng iyong tweet.
Hakbang 3
Hanapin ang aming search box at i-type ang keyword na nais mong hanapin
Maghanap ng anuamng pangalan, parirala, hastag, @pagbanggit o iba pang kombinasyon ng teksto. Ang aming mabisang search engine ay hahanapin ang hinahanap mo.
Mga kaugnay na madalasitanong
Ano ang arawang limitasyon sa paghahanap ng keyword?
Sa alinman sa mga bayad na plano, maaari kang magsagawa ng walang limitasyong bilang ng mga paghahanap sa keyword. Mayroon ka ring access sa feature na Twitter archive, na nagbibigay-daan sa iyong maghanap sa buong kasaysayan ng mga tweet.
Bakit di ko mahanap ang tweet na alam kong ginawa ko?
Pakitiyak na tama ang spelling ng keyword, pangalan, o hashtag, at subukang muli ang iyong paghahanap. Mangyaring tandaan na upang ma-access ang lahat ng iyong mga tweet, kailangan mong i-upload ang iyong Archive ng Tweet sa TweetDeleter.
Maaari ko bang hanapin ang aking mga tweet ayon sa keyword nang hindi binubura ang mga ito?
Oo naman - walang problema. Ang aming search engine ng Twitter ay nandito para tulungan ka sa anumang dahilang kailangan mo. Di kailangang burahin ang mga tweet kung ayaw mo. Bumalik sa memory lane sa pag-browse ng mga lumang tweet upang maalala ang iyong mga lumang event, opinyon, at higit pa. Maglaro.
Maaari ko bang mahanap ang tweet na nabura dati?
Hindi ka makakahanap ng naunang tinanggal na tweet maliban kung gagamitin mo ang aming serbisyo upang panatilihin ang mga tinanggal na tweet. Kung gusto mong mag-browse ng mga tinanggal na tweet sa hinaharap, gamitin ang aming feature na Itago ang mga Naburang Tweet.
Can I just search my X posts / tweets by keyword without deleting them?
Sure - no problemo. Our X / Twitter search engine is here to help you for any reason you need.
There is no need to delete X posts / tweets if you don't want to. Go back through memory lane by browsing old X posts / tweets to remember your old events, opinions, and more. Go play.
Can I find the X posts / tweet that was previously deleted?
You cannot find a previously deleted X posts / tweet unless you use our service to keep deleted X posts / tweets.
If you want to browse deleted X posts / tweets in the future, use our Keep Deleted X Posts / Tweets feature.
....ibang mga feature na maaaring gusto mo
I-upload ang iyong Archive sa Twitter
Kakailanganin mong i-upload ang iyong Twitter Archive para sa TweetDeleter upang ma-access ang iyong mga mas lumang tweet. Kailangan mo lang gawin ito nang isang beses at kapag nagawa mo na, magagawa ng TweetDeleter na tanggalin ang mga lumang tweet at gusto anuman ang edad at bilang.
Awtomatikong pagbubura ng tweet
Walang magandang dahilan para itago ang mga lumang tweet sa publiko sa internet - sinumang nagbo-browse sa mga ito ay malabong may mabubuting intensyon. Kaya panatilihing malinis ang profile sa lahat ng oras sa awtomatikong pagbubura ng mga tweet kapag naabot mo ang partikular na bilang ng tweet o threshold ng panahon. O awtomatikong burahin ang mga ito ayon sa mga keyword.
Burahin lahat ng aking mga tweet nang sabay-sabay
Ang muling simulan ang Twitter na may malinis na profile ay mapagpalaya. Burahin ang mga tweet nang mabilis at palayain ang sarili sa anumang pabigat sa Twitter nang hindi naaapektuhan ang iyong mga sinusundan at tagasunod. Isang click at handa ka nang magsimula ng panibago.